Si Piolo kasi ang napili ng mga producers ng pelikula na siyang maging ka-love triangle ng mga child wonder ng ABS-CBN na sina Xyriel Manabat at Zaijian Jaranilla sa isang episode nga nito. May pitong kuwento kasi ang “24/7 In Love”.
Ang paliwanag naman dito ng aktor, “Nagustuhan ko kasi ‘yung character, nagustuhan ko ‘yung nobility ng puso niya.
It was once-in-a-lifetime.”
Si Pokwang naman ay si Sam Milby ang ka-partner sa pelikula at meron nga silang kissing scene at love scene rito, sabi ng komedyana “juicy” daw ang ginawa nilang intimate scenes.
Sa edad kasing 40 ay virgin pa si Pokwang sa kuwento, samantalang si Sam ay isang Fil-Am model na hindi nagtagumpay ang career dito sa Pilipinas kaya pumatol siya sa mas may edad sa kanya.“Virgin talaga si Marietta (tunay na pangalan ni Pokwang) sa kissing scene, so ako ang first niya,” nakangiting sabi ni Sam.
Kaagad namang ipinaalala ni Zanjoe Marudo (sa isang episode ng horror movie na Cinco) na siya ang unang kiss ni Pokie sa screen na kaagad naman itong sinalo ng komedyana, “Zanjoe ‘wag ka muna mag-react.
‘Yung kissing scene natin ginawa mo lang lollipop ang mukha ko, saka horror ‘yun!”
Say naman ni Sam nang tanungin tungkol sa kanyang leading lady, “Maganda naman si Marietta, love ko ‘to.
Six years na kaming nagtu-tour. Love ko talaga si Marietta.”
Bading naman si Zanjoe sa “24/7” at ang kuwento nga niya, “Nu’ng unang araw ng shooting, hindi ko talaga alam kung paano gampanan ang role ko.
Inobserbahan ko ang mga kasama sa set, nagpapatulong ako sa mga bakla na katrabaho namin.
Nakakailang sa umpisa, pero nu’ng nagtagal, nag-enjoy na ako.”
Ang role naman ni Kim Chiu sa movie ay isang babaeng gustong humingi ng second chance sa rati niyang kasintahan bago matapos ang mundo, na ginagampanan nga ni Gerald Anderson.
Kuwento ng aktor nang muli silang magtambal ng dating kasintahan, “Refreshing kasi parang bumalik kami kunsaan kami nagsimula. Sobra kaming kumportable sa isa’t-isa.”
Samantala, mapapanood ang “24/7 In Love” sa Nob. 21 mula sa direksyon nina John-D Lazatin, Mae Cruz, Frasco Mortiz at Dado Lomibao para sa Star Cinema.