P-Noy, baligtad ang utak

LUMIPAD si Pangulong Noynoy patungong Paris upang dumalo ng climate change conference na hindi kasama ang limang mga may kapansanang artists na humiling na sila’y pasamahin sa eroplano.

Ang limang artists ay sina Nicodemus Pahati, na may cerebral palsy; Rico del Rosario at Maricor Book, mga bulag na singers; at Bobby Suprales at Edna Sanchez, mga bulag na dancers.

Magpe-perform sana sila sa sidelines ng 21st Conference of Parties on the United Nations Framework Convention on Climate Change o COP21 sa Paris.

Umasa ang limang PWDs (persons with di-sabilities) na isasama sila ng Pangulo sa eroplano dahil wala silang pamasahe.

“After their initial expressions of high hopes, they ended up crying a river,” ani Cecile Guidote-Alvarez, director ng Artists for Peace of the United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (Unesco).

Baka ayaw ni P-Noynoy na makasama ang kapwa niya may kapansanan sa isang eroplano.
Hahahahaha!

Magtataka pa ba tayo na hindi niya isinama ang limang PWDs sa eroplano patungong Paris?
Gawain na niya yan.

Wala siyang puso para sa mga kapuspalad.

Natatandaan pa ninyo yung hindi pagdalo ni P-Noy sa arrival honors para sa mga nasawing 44 police commandos sa Villamor Airbase dahil guest of honor siya sa pagbubukas ng factory ng mga kotse ng Mitsubishi sa Laguna?

Bakit niya inuna yung planta ng kotse samantalang mas lubhang importante ang kanyang pagsalubong sa mga nasawing sundalo na siya ang nagbigay ng misyon sa Maguindanao?

Kasi po kotse ang hilig ni P-Noy.

Noong girlfriend pa niya ang isang kilalang broadcaster, walang pinag-usapan sila ng kanyang nobya kundi tungkol sa mga kotse at baril.

“Mon, wala na kaming pinag-uusapan sa tuwing kami’y nagkikita kundi kotse ay baril, baril-kotse, kotse-baril, baril-kotse,” sabi ng kanyang dating girlfriend.

Dahil wala na silang intelihenteng pinag-uusapan ay hiniwalayan ng babae si Noynoy na noon ay hindi pa congressman o senador.

Magtataka pa ba kayo kung bakit niya isinama ang limang PWDs samantalang di niya dinaluhan ang commemoration ng Supertyphoon “Yolanda” sa Tacloban City, ang ground zero ng pinakamalakas ng bagyo on record?

At bakit naman daw siya dadalo sa paggunita ng Yolanda samantalang mas may mahalaga siyang dinaluhan, ang pagiging ninong niya sa kasal ng anak ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa?
Aber, aber!

Ang ibang presidente ay magkakandarapa sana sa pagkakataon na ipakita ang kanilang pagmamahal sa mga kapus-palad.

Ang pagtutol na pasakayin ang limang PWD sa eroplanong kanyang sinasakyan ay malayong mangyari kung sina Pangulong Magsaysay at Erap ang binigyan ng ganoong pagkakataon.

Pero iba ang pag-iisip ng Pangulong ito.

Ipinanganak kasi siyang mayaman at hindi niya naramdaman na maging mahirap. At wala ring siyang pakialam.

Ang kanyang tanyag na sinabi sa taumbayan sa kanyang inaugural address sa Luneta ay “Kayo ang boss ko.”

Napatunayan natin ngayon na walang katuturan yung sinabi niyang yun.
Ito ang Pangulo na baligtad ang utak.

Read more...