Andi walang reklamo sa madugong rape scene

ANDI EIGENMANN

ANDI EIGENMANN

SA promo namin for mega couple Donna Villa and Direk Carlo J. Caparas’ film showing ng kanilang comeback movie, ang “Angela Markado” starring Andi Eigenmann na talagang napakagaling daw bilang isang rape victim na naghiganti sa mga nanggahasa sa kanya.

Puring-puri nga ni direk Carlo si Andi dahil walang arte at walang reklamo nitong ginawa ang lahat para maging makatotohanan ang mga rape at torture scene niya sa movie.

Wala ka raw maririnig na kahit anong complain from Andi kahit na hirap na hirap siya sa mga eksena.

Hands-on kami sa movie na ito to show our love for Donna and Carlo. Bukas na ang regular showing nito sa more than 200 theaters nationwide. Kaygandang pelikula nito kaya huwag palagpasin.

Read more...