Fans ni Janella nahati sa pagpasok ni Elmo sa ABS

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR AT ELMO MAGALONA

AGREE kami sa obserbasyon ng marami na sa ayaw at sa gusto ni Elmo Magalona, ay talagang may mga masasagasaan siyang contract artists ng ABS-CBN, partikular na ang mga naging leading man ni Janella Salvador.

Si Janella ang makakatambal ni Elmo sa bagong serye ng Dos na Born For You. Sumikat ang dalaga sa mga seryeng Be Careful With My Heart at Oh My G! kung saan niya nakatambal sina Jerome Ponce at Marlo Mortel. In fairness, may malaking following na ang tatlong Kapamilya youngstars.

Nang dahil nga rito kaya naisipan ng Regal Entertainment na pagsama-samahin sila sa MMFF 2015 official entry na “Haunted Mansion”. Naniniwala kasi si Mother Lily Monteverde sa box-office appeal ng tatlong bagets.

Natural lang na magtanong at magtaka ang fans ni Janella kung bakit biglang itinambal ang dalaga kay Elmo? Hindi naman daw sa ayaw nila sa anak ng yumaong master rapper na si Francis Magalona, wala lang daw silang maisip na dahilan na sa dinami-dami nang pwedeng ipartner kay Elmo ay si Janella pa na medyo stable na sa loveteam nila ni Marlo o ni Jerome?

Sana raw hanapan na lang ng ibang leading lady si Elmo na wala pang ka-loveteam talaga para mapatunayan din nito ang kanyang sarili sa paglipat sa ABS-CBN. Pero ang sabi naman ng ilang followers ni Janella, bigyan naman daw sana ng chance ang tandem ng dalaga kay Elmo bago mag-judge.

Read more...