P168M jackpot sa Super Lotto 6/49 bukas

Inaasahang aabot sa P168 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 bukas.lotto for site
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang tumaya sa winning number combination na 7-4-23-48-36-47 sa bola noong Linggo ng gabi.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 21 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P1,190 naman ang napanalunan ng 1,347 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 26,732 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...