Elmo: Utang ko pa rin sa GMA kung ano ako ngayon!

elmo magalona

Finally, kumpirmadong Kapamilya artist na nga si Elmo Magalona.

Nag-sign na up na ang binata ng kontrata sa ABS-CBN at isang bonggang project ang agad ibinigay ng Dreamscape Entertainment sa binata kung saan makakatambal niya si Janella Salvador, ang seryeng Born For You.

Sa five years daw niya with GMA 7, he has nothing but good words dahil kung ano raw siya ngayon utang niya raw yun sa dati niyang network.

Gusto lang daw talaga nila ng Mommy niya (Pia Magalona na manager din niya) na mag-reach out, mag-venture sa ibang experiences at nagkataon daw na may magandang offer ang ABS-CBN sa kanila.

Nagkausap naman daw sila ng maayos ng dyowa niyang si Janine Gutierrez at kahit na gulat na gulat daw ito sa naging desisyon niya ay suportado pa rin nito ang kanyang desisyon na mag-ober-da-bakod.

Ayon naman kay Elmo, may “baon” naman daw siyang bago para sa mga fans kaugnay ng isyung tila makikipagsiksikan pa siya sa ibang leading men at mga Kapamilya actors na gaya niya ay naghihintay din ng right time to hit the big pot!

Basta ang masasabi na lang namin, good luck Elmo!

Read more...