Ken Chan: Hindi ko kayang makipagrelasyon sa kapwa ko lalaki!

ken chan

DINALAW namin ang set ng Destiny Rose kung saan live naming nasaksihan kung paano lagyan ng make-up at buhok si Ken Chan bilang isang babae at kung paano kaming amaze na amaze sa kinalabasan niyang kagandahan!

“Karir na ito kuya,” sey nito sa amin sa boses na well-modulated, mahinhin at boses girl talaga. Ultimo yung paghawi niya ng buhok ay babaeng-babae kaya’t biniro namin siya na tila na-eenjoy na niya ang kanyang karakter sa Destiny Rose ng GMA 7.

Natawa ang binata at sabay hirit ng “Why not?” bago nag-explain na marami raw siyang pinagkaka-utangan ng loob sa kanyang “peg” bilang Destiny Rose. “Bukod po sa motivation nina direk,

Nandiyan si Tito Michael (de Mesa), na ang galing-galing magpa-girl. Sina Katrina (Halili), Tita Irma (Adlawan), yung mga production people, make-up artist, lahat sila nagtuturo sa akin.

From walking to talking to reacting, lahat. Masaya nga lagi sa set,” kuwento pa ng bidang aktor-aktres.
Pati nga ang leading man niyang Brapanese model-actor na si Fabio Ide ay gandang-ganda sa transformation ni Ken pero nilinaw nitong hindi raw niya nakikita ang sa-rili na papatol sa isang transwo-man sa totoong buhay.

Hirit pa ng leading man, “With all due respect po sa kanila, masarap silang kasama at kaibigan. I just don’t see myself siguro na ma-fall in love sa gaya nila although they are all ama-zing lalo na kapag gaya ni Ken na napakaganda. Babaeng-babae talaga.

Kahit nga ang co-star ni Ken na si Katrina Halili ay nagkaroon na raw ng pagdududa kung nag-eenjoy na ba si Ken bilang si Destiny Rose in real life. “Lahat kasi sa kanya babae na sa unang tingin.

At kapag nakausap mo pa, hayun na! Niloloko nga namin na baka naman ayaw na niyang bumalik sa pagi-ging Ken Chan dahil mga gaya ni Fabio ang nahuhumaling sa kanya,” ang natatawa pang sey ng seksi pa ring si Katrina.

Although kontrabida na naman ang role dito ni Kat, nilagyan daw nila ito ng ibang flavor dahil may mga eksenang ang karakter niya ang nakakaramdam ng pang-aapi lalo na ngayong “girl” na si Destiny Rose at siya na nga ang nireresbakan.

Biniro namin ito kung sa totoong buhay ba ay naranasan niyang resbakan din ang mga “umapi” sa kanya? “Mero ba? Naku, tahimik na ako noh! Bahala na sila at yung karma nila,” ang may halakhak pang sagot ng Kapuso actress.

 

Read more...