Brazilian model ang laging ka-date ni James, hindi si Julia

james reid

Hindi naman pala si Julia Barretto ang kasama ni James Reid sa isang photo na kumakalat ngayon sa social media. Ang Brazilian model pala na si Nath Perrier ang kasama ng young hunk actor sa picture.

They were photograped habang nasa Palace Pool Club sila.  The photo was shot August pa this year at ngayon lang lumabas. Si Nath din ang girl na nakunan noon ng picture kasama si James while inside a bar sa BGC.

Apparently, constant date ang dalawa kaya madalas silang makunan ng picture. The photo came on the heels of James’ controversial issue which stemmed out from a dismayadong fan na gustong magpakuha ng picture kasama siya.

Since hindi siya napagbigyan, ibinuking ng fan na later on ay naging basher, na nakipaglandian at nakipaghalikan si James kay Julia Barretto. Nag-issue na ng denial ang Viva sa isang Facebook account na ginawa nila for James.

We could only surmise that James’ being a hottie is the reason why he is a fodder to chismis linking him to this and that girl. Yummy naman kasi si James at lahat na lang ng makasama niya sa photo ay natsitsismis na dyowa na niya. Kung bibilangin, aba, more than a handful na ang naging dyowa niya, ha.

 

Read more...