Hindi naman maiiwasan na ikumpara ang style nang pagdidirek na ginawani Carlo Caparas sa “Angela Markado” compared sa orihinal na pelikulang dinirek ng National Artist na si Lino Brocka.
Ang aktres na si Hilda Koronel ang gumanap sa original na“Angela Markado” sa obra maestro ni Direk Lino. “Dito sa ginawa ko kay Andi Eigenmann, ‘yung performance niya, ‘yung attack niya doon sa role na Angela Markado, eto makaka-illicit ng sympathy sa mga tao.
Sabi ko nga, kapag umiyak si Hilda Koronel pwede ka nang mag-shampoo, e, sa rami ng luhang papatak. Si Andi tiniyak ko rito na hindi papatak ang luha ni Andi rito. Ang luluha rito ‘yung kalooban ni Andi,” esplika ni Direk Carlo.
Mapi-feel daw ang luha ni Andi at makikita ang anger sa mga mata niya. “Kaya ibang-iba ang atake ni Hilda, iba ang atake ni Andi. No comparison. Hindi natin pwedeng gawing pareho ang level of performance ng dalawa kasi ibang-iba ‘yung ginawa ni Hilda Koronel at ibang-iba ang ginawa ni Andi Eigenmann.”
Bukod sa ikinumpara ang style ng pagdidirek niya kay Direk Lino tinanong namin si Direk Carlo kung ano naman ang kaibahan ng rape scene ni Andi sa “Angela Markado” sa mga eksena rin ni Dawn Zulueta sa “Maggie dela Riva.”
“Ah, very mild ang performance ng mga rapist sa Maggie dela Riva although nakapag-set ng box-office record ang Maggie dela Riva noong panahon na ‘yun. Pero ang rapists noong panagon ni Maggie Dela Riva baka masyadong maginoo pa na masasabi natin kaysa sa mga rapist ni Angela Markado,” dagdag ni direk Carlo.