Teleserye ng mga pambatong child star ng dos tatapusin na

By Reggee Bonoan November 30,2015
share this

Teleserye ng mga pambatong child star ng dos tatapusin na

By Reggee Bonoan November 30,2015
share this

walang iwanan

MAMAMAALAM na pala ang seryeng Walang Iwanan ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Raikko Mateo, Louise Abuel, Micko Laurente, John Michael, Karla Cruz, Jhong Hilario at John Estrada.

Nagsimula ito noong Okt.19 lang at ang balita mapapanood ang hu-ling episode nito sa Dis. 4 kaya nalulungkot nga raw ang mga bagets. Ano nga ba ang nangyari, hindi ba malakas sa mga bata ang Walang Iwanan?

“Maaga kasi ang airing, siyempre ang mga bata pauwi pa lang galing school o kaya nasa school pa. Sayang nga ang ganda ng kuwento, mali lang ang timeslot saka filler lang naman din ang Walang Iwanan,” katwiran sa amin ng isang taga-Dos.

Bibigyan naman daw ng ibang programa ang mga bata sa nasabing serye kaya huwag na raw silang malungkot. Ang ipapalit dito ay ang serye nina Iñigo Pascual, Miles Ocampo at Julia Barretto na And I Love You So na airing na sa Dec. 7, Lunes. Kaya pala bukas na kaagad ang grand presscon nito.

Anyway, sana sa presscon ng And I Love You So ay payagang itanong kay Julia ang mainit na isyu sa kanila ni James Reid na lagi raw nakikitang magkasama sa mga bar at sweet na sweet. At kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni James para maklaro na ang isyu.

Gusto rin naming itanong kay Inigo kung ano rin ang real score sa kanila ni Sofia Andres. Hindi naman siguro makakaapekto sa sa And I Love You So kung may ibang nagugustuhan sina Inigo at Julia dahil ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) na hindi naman magdyowa pero patok ang love team sa On The Wings Of Love.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending