Itinakda ng tadhana (2) | Bandera

Itinakda ng tadhana (2)

Joseph Greenfield |November 30,2015
facebook
share this

Itinakda ng tadhana (2)

Joseph Greenfield - November 30, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Alaiza ng Facoma Subdivision, Valencia, Bukidnon
Problema:
1. Nagkahiwalay kami ng kalive-in ko, simula ng balikan niya ang kanyang asawa mag-iisang buwan na ang nakakaraan. Pero sabi nya sa akin dati ay hindi rin naman daw sila kasal ng asawa nya, nakikisama lang daw siya rito para sa dalawang anak nila. Ang problema ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya, na nagkataon namang tumawag siya at magulo na naman daw ang buhay nila ng asawa nya. May ibang lalaki kasi ang misis nya. Sabi nya iiwan nya uli ang asawa nya at magbalikan daw kami uli.
2. Tama ba ang desisyon ko na makipagbalikan sa kanyang muli? Bukod sa kanya may isa pa akong manliligaw na binata, kaya lang hindi ko siya mahal. Sa palagay nyo sino sa dalawang lalaking ito ang makakasama ko habam- buhay at magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan? November 7, 1988 ang birthday ng dating ka live-in ko at October 6, 1988 naman ang manliligaw ko. July 2, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Alaiza ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing higit mong ka-compatible ang isang Scorpio kung ikukumpara sa isang Libra. Ibig sabihin sa isang Scorpio ka higit na uunlad at habambuhay na liligaya sa panahong nagkaroon ka na ng sariling pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 2 ay sakto din namang tugma sa birth date na 7 ng dating naka-live in mo, dahil ang 2 at 7 ay kapwa nagtataglay ng elementong tubig. Ibig sabihin kapag kayo ang nagsama, tuluyan ng mabubuo ang isang maligaya at pang habambuhay na pa-milya.
Graphology:
Upang magtuloy-tuloy ang ligaya mas mainam kung alisin mo ang mala-king bilog sa itaas na bahagi ng letrang “A” sa iyong lagda. Simple “A” na lang ang gawin mo. Sa ganyang pagbabago ng pirma, sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon habam- buhay ka ng magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Alaiza ayon sa iyong kapalaran, dumadaan lang sa matinding pagsubok ang relasyon ninyo ng dating ka-live-in mo sa ngayon. Pero matapos ang mga ilang panahon pa, lilipas din ang mga balakid sa inyong pagsasama. Tulad ng inaasahan muli siyang babalik sa iyo at pagsapit ng taong 2019 sa edad mong 29 pataas, kayo na nga ng da-ting ka-live mo ang magkakatuluyan, sapagkat bago pa kayo isinilang, tunay ngang itinakda na ng tahana upang kayo ay magsama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending