Punerarya kikita sa termino ko-Duterte

Rodrigo-duterte
Kikita umano ang mga low budget funeral parlor kapag nanalo siyang pangulo sa 2016 elections.
Sinabi ni Duterte na kanyang pagtutuunan ng pansin ang paglaban sa kriminalidad at pagtiyak na naipatutupad ng tama ang batas.
“Magtayo ka na ng funeral parlor, wag lang high end,” ani Duterte ng tanungin kung ano ang mangyayari sa mga kriminal na hindi titigil sa kanilang masamang gawain.
Si Duterte ay iniuugnay sa Davao Death Squad na itinuturong nasa likod ng pagpatay sa mga kriminal sa kanyang siyudad.
Nang tanungin ang isyu ng human rights violation laban sa kanya, sinabi ni Duterte na “That’s their concern”.
Noong 2012 ay inirekomenda ng Commission on Human Rights ang pagsasampa ng kasong murder kay Duterte sa Office of the Ombudsman.
Hindi naman naisama sa kaso si Duterte at ang nakasuhan ng simple neglect of duty ang 21 pulis.

Read more...