Kanlaon muling nagbuga ng usok at abo

mt kanlaon
Muling nagbuga ng usok at abo ang Bulkang Kanlaon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology ng Seismology.
Umabot sa 50 metro ng taas ng usok mula sa bukana ng bulkan na naitala sa nakalipas na 24 na oras hanggang kahapon ng umaga.
Naitala rin ang tatlong lindol kaya nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan.
Ipinaalala ng Phivolcs na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng apat na kilometro mula sa bulkan.
Nakipag-ugnayan na rin ang Phivolcs sa Civil Aviation Authority na ipaalala sa mga piloto na mapanganib ang paglipad malapit sa bibig ng bulkan dahil sa posibleng pagsabog nito.

Read more...