Mas marami ang natuwa kesa sa mga nalungkot o nagalit sa paglipat ni Elmo Magalona sa ABS-CBN. Iniwan ng binata ang kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez sa GMA 7 pero suportado pa rin daw siya nito sa naging desisyong niya.
Pag-amin ni Elmo, “Nagulat din po siya na this is going to happen but we are both happy and both blessed because we both have projects. I’m going to have a project soon and she has a project now so ‘yun, we’re just so happy.
Buti na lang she supports me and I support her also.” Pumirma na ng kontrata si Elmo (per project) sa Dreamscape Entertainment para sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Born For You kung saan makakatambal nga niya si Janella Salvador.
Mas na-excite raw ang anak ng yumaong master rapper na si Francis Magalona na makatrabaho si Janella dahil alam niyang magaling din itong singer.
“Kaka-meet ko lang kay Janella this week and I think it’s cool na parehas kaming coming from a family of musicians and it’s cool,” chika ni Elmo nang humarap sa press recently.
Dugtong pa niya, “I’m excited to work with her because ang dami niyang projects na she has so many projects now, but she has time to make one with me.”
Ano ang first impression niya kay Janella? “She’s bubbly and very energetic, super easy to work with.”
Kuwento pa nito sa tema ng Born For You, “So Born For You ibig sabihin magkakaroon ng destiny sa kuwento na kapag pinanganak ka meron ka ng someone who is destined to be with you forever and once in your life magkikita kayo, magtatagpo kayo, pero di ninyo malalaman na kayo na pala ‘yun.”
Looking forward din daw si Elmo na maka-duet si Janella sa mga eksena nila sa serye dahil may pagka-musical nga raw ito, “Feeling ko magiging creative talaga kami kasi I heard si Janella is into old songs, she’s an old soul.
Ako naman medyo old soul din pero more on new school vibes. I feel like doon pa lang we can make something new and fresh.”