John Lloyd nakabawi na sa ’A Second Chance’; ka-level na sina Batman, Superman at James Bond

john lloyd

TRULILI nga kaya na ang pelikulang “A Second Chance” ang magiging daan para muling bumango ang pangalan ni John Lloyd Cruz sa showbiz?

Naitanong namin ito dahil base sa naging takbo ng usapan ng mga taong nakapanood na sa pelikula, hindi naman daw lingid sa kaalaman ng lahat na bumaba ang premium ng aktor sa pelikulang “The Trial” dahil break-even lang daw ito.

Narinig pa namin na dumating daw minsan sa puntong gusto nang umalis ni Lloydie sa showbiz dahil dismayado na siya sa career niya lalo na nu’ng hindi kinagat ang seryeng A Beautiful Affair kasama sina Bea Alonzo at John Estrada na ipinalabas noong 2012.

Napagtanto raw ng aktor na hindi siya tanggap ng viewers na nagdadrama sa telebisyon kaya nu’ng i-offer daw sa kanya ang Home Sweetie Home ay sinubukan lang niya at kung hindi pa rin siya kakagatin sa comedy ay wala na siyang choice kundi ituloy ang plano at ito rin daw ang dahilan kaya hindi siya kaagad nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN.

E, pumatok ang Home Sweetie Home, bossing Ervin kaya nag-enjoy na nang husto si Lloydie at hindi na nga raw siya gagawa ng drama sa telebisyon.

Gusto pa ni JLC na sundan ang yapak ni Aga Muhlach na nagbabayad ang tao sa sinehan para panoorin siyang nagdadrama. Oo nga, naalala naming bigla na pawang sitcom o gag shows ang ginagawa ni Aga sa TV at sa pelikula lang siya nagdadrama.

Kaya pala pati ang indie film ni John Lloyd na “Honor Thy Father” ay kakaiba ang kuwento na idinirek ni Erik Matti for Reality Entertainment.

Anyway, more than P100 million na ang kinita ng “A Second Chance” simula ng magbukas ito sa mga sinehan noong Miyerkules at umabot na raw sa 350 theaters nationwide ang pinaglalabasan nito.

Ka-level na nina Popoy at Basha ang mga pelikulang “Avatar”, “Superman”, “Spiderman” , “Batman”, “Captain America” , “James Bond”, “Hunger Games” at iba pang blockbuster movies sa laki ng kinita sa opening day.

Nabanggit pa na siguradong lalampasan ng “A Second Chance” ang “Starting All Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na kasalukuyang may hawak ng korona sa Star Cinema dahil kumita ng mahigit sa P400 million.

Muling pinatunayan daw nina Lloydie at Bea na sila pa rin ang King and Queen of Philippine Movies kaysa sa mga paboritong loveteams ng ABS-CBN.

Read more...