Duterte wala nang urungan: nag-file na ng COC para pagka-presidente

NAGHAIN si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagkapangulo bilang standard-bearer ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa law department ng Commission on Elections (Comelec) Biyernes.
Inirepresenta si Duterte ng kanyang abogado na si Salvador Medialdea sa paghahain ng kanyang COC.
Naghain si Duterte isang buwan matapos umurong si Martin Diño bilang kandidato sa pangkapangulo nang ibasura ng Comelec ang petisyon nito kontra sa pagdedeklara sa kanya bilang nuisance candidate.
Kabilang sa mga dokumentong isinumite ni Duterte ang mga programang nais niyang ipatupad sakaling manalo kabilang na ang “streamlining bureaucracy by introducing digital systems and technologies at va-lues formation in all elementary at high schools nationwide.”
Bago ito ay sinabi ng alkalde na kailangan pa niyang kausapin ang ilang tao, kabilang ang anak na si dating Davao City mayor, Sara Duterte-Carpio, na gusto niyang humalili sa kanya bilang kandidato sa pagka-
alkalde ng partidong Hugpong sa Tawong Lungsod.
Pero sinabi ng sources na pumayag na si Carpio na humalili sa ama nang mag-usap sila kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang Facebook page, ipinost ni Vice Mayor Paolo Duterte, kapatid ni Carpio ang “My Mayor Inday Sata Duterte!!! Go ‘Day! Suporta ko all the way.”
Isinumite ni Duterte ang kanyang COC bilang pangulo sa gitna ng pangamba ng kanyang mga tagasuporta na idi-disqualify siya ng Co-melec dahil hindi umano siya pwedeng maging substitute ni Martin Diño, na umatras na sa pagtakbo noong isang buwan.
“I don’t have any problem with that if it is the decision of the Co-melec that I could not be a substitute,” aniya.
“If the Comelec decides to disqualify me, then so be it. I won’t die if I won’t become a president,” giit pa ni Duterte.
Kung mangyayari i-yon, sinabi niya na hindi niya alam kung magpa-patakbo pa ng ibang kandidato ang PDP-Laban.
Idinagdag ni Duterte na ang kanyang pagtakbo ay base sa kanyang prinsipyo.
Matatandaang sinabi ni Duterte na ang desi-syon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na ibasura ang disqualification case laban sa presidential candidate na si Senator Grace Poe ang nagtulak sa kanya na tumakbo.
“Grace (Poe) is a Fi-lipino citizen but she is not a natural-born citizen,” giit ni Duterte.
Samantala, nadismaya siya sa ulat na iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga reklamo ng ilang barangay chairman na pinagbantaan umano niya na ipapa-patay sila dahil hindi sinusuportahan ang kanyang mga programa.
“If they have a case, let them file it,” aniya.

Read more...