Shaira Mae di hiniwalayan si Edgar Allan: 3 years na kami!

shaira

UMAASA ang Kapatid young actress na si Shaira Mae na bibigyan pa rin siya ng ma-gagandang proyekto ng TV5 ngayong ang Viva big boss nang si Vic del Rosario ang mamumuno sa entertainment department ng network.

Inamin ng dalaga sa presscon na ibinigay sa kanya ng Caronia Nail Polish bilang pinakabago nitong celebrity endorser, na nalungkot at nanghinayang siya nang paghiwalayin silang bigla ni Mark Neumann bilang magka-loveteam.

Management’s decision daw ito kaya walang magagawa si Shaira. Hindi rin daw malinaw sa kanya kung bakit bi-nuwag na ang tambalan nila ni Mark matapos ang kanilang seryeng Baker King kung saan sila binansagang Kilig Prince and Kilig Princess.

“Honestly po, wala akong idea kung bakit (pinaghiwalay ni Mark), hindi pa ako mini-meet about that. Medyo clueless pa ako. But I believe naman, they have reasons. For sure alam naman ng TV5 yung ginagawa nila.

I trust them naman,” paliwanag ni Shaira na todo naman ang pasasalamat sa Caronia dahil sa pagkakapili sa kanya bilang newest endor-ser ng mga produkto nito.  Sabi nga ng dalaga, isang napakalaking blessing nito para sa kanya dahil, “Sa dinami-rami kasi ng youngstars ngayon sa showbiz, ako po talaga yung napili nila.

Kaya promise ko, gagawin ko lahat para maka-tulong sa sales nila.” In fairness, napanood namin ang ilang funny and heartwarming online video na ginawa ni Shaira para sa Caronia, as in talagang nagbalik sa alaala namin ang mga classic television commercials ng nasabing brand ng nail polish na kinalakihan na namin bilang TV addict.

Inamin din ni Shaira na talagang ginagamit niya ang iba’t ibang nail polish ng Caronia, sa katunayan lagi nilang kasama ito ng kanyang mga kaibigan kapag nagba-bonding sila. May mga panahon daw na magkikita-kita sila ng kanyang barkada para lang magkulay ng kanilang mga kuko.

Samantala, kaugnay ng pag-welcome ng Caronia kay Shaira bilang brand ambassador, inilunsad din ang “Your Move Caronia Dance Craze”, isang online dance competition na bukas sa lahat ng grupo (2 to 5 members na may edad 16 and above).

Create your unique #KeepThingsColorful Dance Craze video to the beat of Caronia jingle. Ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na makasali sa next video ng Caronia with P30,000 cash prize.

Maaaring magpadala ng entry simula sa Nov. 22 hanggang Dec. 31, 2015 sa social media accounts ng Caronia. For inquiries, log-on lang kayo sa www.caronia.com.ph o bumisita sa kanilang Facebook page na CaroniaPhilippines.

Samantala, itinanggi naman ni Shaira na hiwalay na sila ni Edgar Allan Guzman. Tatlong taon na raw silang magkarelasyon and going strong pa rin.  Ayaw nang magdetalye ni Shaira tungkol sa kanyang lovelife dahil baka pagmulan na naman daw ng intriga, basta ang mahalaga raw okey sila ni EA at masaya sila para sa isa’t isa.

Read more...