Para sa may kaarawan ngayon: Huwag makipaglandian sa iba, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Libra. Sa pinansiyal, wag ubusin ang pera sa pagbo-blow-out, magtabi ng salapi para sa nalalapit na kapaskuhan. Mapalad ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Yellow at black ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Hindi mabuti ang sobrang galante. Upang masolusyunan, ang pagiging bulaksak sa pera, maghanap ka ng kasuyong kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 3, 9, 12, 30, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Wag hayaang lumayo ang kasuyong Capricorn, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung patuloy na mag-iisa. Hangga’t may panahon pa, habulin mo siya. Mapalad ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahme-Neva-Om.”
Gemini – (May 21-June 21) – Hectic na activities ang nagbibigay ng suwerte sa mga Ge-mini. Kumilos ka nang kumilos at mag-exercise ng regular tuwing umaga. Kapag kilos ka nang kilos, mas madaling biyaya at masarap na romansa ang makakamtan. Mapalad ang 5, 9, 14, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Gray at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Bilog ang buwan sa linggong ito, kaya tuloy-tuloy ang su-werte na mapapasa iyo sa pag-ibig, sa relasyon at sa pera. Maging maingat sa paggastos upang may matira pang salapi para pang handa sa Paskong darating. Mapalad ang 2, 19, 27, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Iwasang makibarkada sa mga taong walang pera, sa bandang huli matutulad ka rin sa kanila. Piliin ang mga kaibigang makakapal ang bulsa upang sa bandang huli yumaman ka. Sa pag-ibig, iwasan ang mga pangit sa mga taong magaganda—susu-wertehin ka. Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Magenta at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Araw-araw gumising nang maaga, mag-ehersisyo at magdasal. Sa ganyang paraan, maaga kang gumigising at pina-priority ang kalusugan, mas madali kang uuunlad at liligaya. Mapalad ang 5, 17, 28, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa kapamilyang nangangailangan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Pink at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Ngayon pa lang paghandaan na ang Pasko. Sa pinansyal, iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang bagay. Tandaang sa Holiday Season na ito ay higit na magpapaligaya ang pamilya kung marami kayong pera. Mapalad ang 6, 16, 22, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Brahma-Aum-Namah.” Violet at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Laging magsuot ng kulay na pula. Sa ganyang paraan ay mas madali mong maaakit ang maraming pera. Sa pag-ibig, dahil sa kulay na pula, aani ka ng masarap na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 33, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Hindi ka yayaman sa sariling bayang sinilangan. Upang umunlad at lumigaya, maghanap ng pagkakakitaan sa malayong lugar. Mapalad ang 1, 13, 19, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Wag isiping matanda ka na! May asim ka pa rin! Bago matapos ang Nobyembre, darating ang isang nilalang na isinilang sa buwan ng Disyembre. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid pero bakit hindi mo magawa? Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Orange at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Mag-display ng aquarium sa entrada ng bahay. Lagyan ng 8 isdang pula at isang isdang itim, puwede ding 8 isdang itim at isang isdang pula. Kapag nagawa mo ‘yan, sa pag-ibig at materyal na bagay, susuwertehin ka na. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Red at black ang buenas.