Kahit si Lala Aunor, sikat na miyembro ng dating Apat Na Sikat nu’ng mga huling taon ng dekada sitenta, ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari ngayon sa singing career ng kanyang panganay na anak na si Marion.
Akala nito ay may tuldok na sa kanya ang pagi-ging musikero ng kanilang pamilya dahil kay Mamay Belen na nagturo sa Superstar, pero madudugtungan pa pala ‘yun, dahil sa kanyang mga anak na sina Marion at Ashley.
Nakakadalawang album na ngayon si Marion sa Star Records, paborito ng mga bagets ang kanyang mga kanta, singer-composer si Marion na malaking katangiang nag-uungos sa kanya sa ibang mga singers na kasabayan niya.
Palagi naming pinatutugtog sa aming programa sa radyo ang unang single ni Marion sa second album niya, ang “Free Fall Into Love”, napaka-effortless ng atake niya pero nagmamarka ang kanyang piyesa.
Ang maganda kay Marion ay tinapos niya muna ang kanyang pag-aaral (Ateneo University), nag-compose muna siya, ipinanalo niya ang mga komposisyong parang laro lang niyang binuo sa iba’t ibang kumpetisyon.
Sa December 27 ay magkakaroon ng benefit show si Marion sa Winnipeg, Canada, ang anak-anakan naming si Rey-Ar Reyes ng Pilipino Express News Magazine ang kanyang producer, lahat ng kikitain sa concert ni Marion ay ihahandog naman ng produksiyon sa mga nanga-ngailangan nating kapatid dito sa Pilipinas.
Bukas naman nang alas singko nang hapon ay mapapanood si Marion sa Lucky China Town Sa Binondo, ito ang unang album tour niya para sa kanyang ikalawang album, concert kung concert ang gagawin ni Marion bukas para sa kanyang mga tagahanga.