Hindi maiwan ang BF

MANANG, si Carmalyn po ito, taga barangay San Roque, Zamboanga City.

May lovelife problem po ako. Ito po ay dahil sa BF ko ngayon. Noong una po siyang manligaw sa akin sabi niya sa akin wala na daw sila ng dati niyang GF.

Naniwala naman po ako sa kanya, kaya sinagot ko po siya. At saka ilang taon din po muna siyang nanligaw sa akin, kaya naniwala po ako sa kanya.

Feeling ko po kasi seryoso siya talaga, eh ang kaso po nalaman ko at nakita ko mismo na nagkikita pa pala sila ng ex niya.

Masakit po iyon sa akin. At kahit alam kong nagkikita pa rin silang dalawa ay ayaw ko pa rin siyang pakawalan. Four years na po kami ngayon. Ano po ba ang dapat kong ga-win?

Carmalyn, nagkikita ba ang BF mo at ng ex n’ya as friends or you know and are sure na there’s something more?

Have you confron-ted your BF about this? Nakausap mo na ba siya nang masinsinan at nagsabing hindi ka comfortable sa ganitong set-up?

You have to tell your BF. Kung hindi mo ito masabi, what’s stopping you? You have the right to let him know how you feel especially relasyon n’yo ito na pinaglaanan ng oras at damdamin.

I say there’s no harm in trying. Tell him straight. Kung hindi ka n’ya papa-kinggan, well I think you know where you stand. Be honest.
Payo ng Tropa

Hi Carmalyn,

Well, before na ma- paranoid ka dyan neng, mag-usap muna kayo ng BF mo kung ano talaga ang status nila ng ex GF niya. Alamin mo muna ang totoo, ha?

Don’t waste your time sa kakaisip nang kung anu-ano na negative.

Baka nga naman nagkataon lang silang nagkita tapos nagkamustahan, yun lang.

Mag-usap kayong mabuti, dapat open kayo sa isa’t-isa, yang nararamdaman mo sabihin mo sa kanya hindi biro yan baka masyado kang ma-stress kakaisip.

Ate Jenny

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...