Security guard nagwala; nang-hostage sa Maynila; 3 sugatan

IMG-20151126-WA0008WALANG habas na nagpaputok ang hindi pa nakikilalang security guard at nang-hostage pa ng mga empleyado ng isang tindahan sa Rizal Avenue sa Maynila ngayong hapon.

Tumagal ng 20 minuto ang pamamaril ng security guard ng Chain Glass Enterprise matapos siyang imbestigahan ng mga pulis mula sa Manila Police Distric (MPD) kaugnay ng isang insidente ng pagnanakaw sa naturang kompanya.
Tatlo ang sugatan, ayon sa MPD.
Inakusahan ang guwardiya na sangkot sa pagnanakaw ng P1 milyon sa kompanya.
Nagdulot naman ng matinding trapik ang hostage-taking kung saan napilitang isara ang mga kalapit na Pampanga st. at Laguna st.

Dumating naman ang asawa ng guwardiya para kausapin ang mister.

Read more...