Palasyo nanawagan sa mga botante na kilatisin ang mga tatakbo matapos manguna si Duterte sa NCR

Rodrigo-duterte
HINIMOK kahapon ng Palasyo ang publiko na mas kilalanin ang mga kandidatong tumatakbo sa pagkapangulo sa 2016 matapos namang manguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa National Capital Region (NCR).

“We encourage our people to broaden their participation by learning more about the platforms of candidates and assessing their records in public service,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio Coloma.

Ito’y matapos manguna si Duterte sa survey ng Pulse Asia Research Inc kung saan isa sa tatlong botante sa Metro Manila, o 34 porsyento ang nagpahayag na iboboto nila si Duterte kung ngayon gagawin ang eleksyon.
Si Grace Poe, na nangunguna sa mga nagdaang survey, ay nakakuha naman ng 26 porysento. Sinundan siya ni Vice President Jejomar Binay, 22 porsyento; dating Interior Secretary Mar Roxas, 11 porsyento at Sen. Miriam Defensor-Santiago, 7 porsyento.

“Public opinion polls such as the latest Pulse Asia survey on presidential candidates among National Capital Region respondents serve to heighten people’s interest in the electoral process,” dagdag ni Coloma.

Read more...