Kris tinawag na bagong ‘Patola Queen’

sharon cuneta

Pagkatapos ni Sharon Cuneta ay si Kris Aquino na ang tinatawag na Reyna Ng Mga Patola ngayon. Patol kasi nang patol sa kanyang mga bashers ang aktres-TV host, parang wala na siyang pinalalampas, katulad ni Sharon nu’n.

Kunsabagay, kahit naman siguro sinong nasa posisyon ni Kris ngayon ay mapapatiran din ng pisi ng pasensiya, dahil may mga panahong sumosobra na ang mga panlalait at pananakit sa kanya.

Bilang isang hoarder, kahit pa siguro mag-imbak nang mag-imbak ng pasensiya at haba ng pang-unawa si Kris ay siguradong maaapektuhan pa rin siya ng mga salitang ibinabato laban sa kanya, tao lang si Kris na marunong umaray kapag masyado na siyang tinatapakan.

Tuloy ay patol siya nang patol ngayon sa mga bashers, talagang naglalaan siya ng panahong sagutin ang mga paninira sa kanya, parang napakarami niyang oras ngayon para makipag-away sa mga taong ni hindi nga niya kilala nang perso-nal.

Sa isang umpukan ng mga may sinasabi sa showbiz ay pinagtataasan ng kilay si Kris, hindi gusto ng mga ito ang kanyang mga ginagawa, katwiran ng mga ito ay siya rin naman kasi ang nang-iimbita sa mga netizens para siya birahin.

Sabi nga ng isang direktor, “Sino ba ang nagpapalapa sa mga aso? Di ba, siya rin naman? Kundi siya nagpapakahitad, di wala rin sanang mananakit sa kanya?”

Hhhhmmmnnn…may katwiran ang katwiran.

Read more...