‘Mystery girl’ sa buhay ni Sam umapir kaya sa ‘The Milby Way’?

sam milby

Madalas kaming mapadaan sa KIA Theater Araneta Center sa Cubao at napansin naming maraming interesadong basahin ang “The Milby Way” concert poster ni Sam Milby na gaganapin na sa Sabado, Nob. 28.

Ipagdiriwang ni Sam ang 10th year anniversary niya sa showbiz sa pamamagitan ng concert produced by Cornerstone Events. Sagot ng taga-Tickenet nang magtanong kami kung kumusta ang ticket selling ng concert ni Sam, “Ay malakas po.”

Hindi rin namin palalampasin ang concert na ito ni Sam dahil matatagalan na naman bago ulit siya mag-show dahil sa ngayon ay abala siya sa ta-ping ng dalawang teleserye, ang Doble Kara kasama si Julia Montes at Written In Our Stars kasama naman sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual na mapapanood sa 2016 handog ng Dreamscape Entertainment.

Sigurado namang aaba-ngan sa “The Milby Way” kung darating ang rumored girlfriend ni Sam na si Maria Jasmine.

Read more...