Order di pa dumarating

DEAR Aksyon Line,

Magandang araw po. Mayroon akong problema at sana ay matulu-ngan ninyo ako.

Um-order ako sa Best Product at Home Catalogue Shopping Incorporated ng mga gamit na pangkusina noong nakaraang Agosto 24 pero hanggang ngayon ay hindi pa dumarating.

Nabasa ko sa Bandera ang promo nila kaya napasulat ako. Napakahalaga po ng pera o hindi biro ang perang binayad ko kaya sana ay mapadala na nila ang order ko.

Umaasa rin ako sa dagliang tulong ng

Aksyon Line.

Stephen Mahibis
Purok
Mainlabyann II,
Brgy Singcang
Airport,
Bacolod City

REPLY: Maraming salamat sa pagtitiwala sa Aksyon Line. Kasalukuyan na pong nakikipag-ugnayan ang Aksyon Line sa Best Product at anuman ang magiging tugon nila rito ay agad namin na ipaparating sa inyo.

Salamat po.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...