Paulo sa Jadine fans: Wala akong balak sirain sina James at Nadine!

PAULO AVELINO, JAMES REID AT NADINE LUSTRE

PAULO AVELINO, JAMES REID AT NADINE LUSTRE

AWARE si Paulo Avelino na sikat na sikat ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) loveteam kaya naman very thankful siya at napasama siya sa seryeng On The Wings Of Love sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Gaganap ang aktor bilang si Simon Esguerra na isang advertising executive at magiging boss ni Leah (Nadine) na matinding pagseselosan naman ni Clark (James).

Ayon kay Paulo, “The tandem, pretty well known kasi they were all over social media na laging nagti-trend sa Twitter, not just them as loveteam but also because of the show na laging trending. I’m happy that I’m part of the show.”

Sabi pa ng Kapamilya actor sa presscon ng Dreamscape Entertainment para sa pagpasok niya sa On The Wings Of Love, “As we all know, I’m coming on half way (serye) kaya late na ako papasok and it’s an honor to be considered na masama sa teleseryeng ito lalo na…alam naman nating hit ang On The Wings Of Love and working with the JaDine loveteam, I’m pretty excited and na-excite ako sa mabibigay ko sa show. Hindi totally manggulo pero mayanig at palakasin lalo ang OTWOL.”

Anyway, handa na bang ma-bash si Paulo ng JaDine fans dahil alam naman nating solid ang OTWOLista kina Clark at Leah.

“Hindi naman maiiwasan ‘yun dahil minsan nadadala talaga tayo sa mga nakikita natin sa characters sa TV lalo kapag may napapanood kang sumisingit (loveteam), ‘yung tingin mong threat.

“Abangan na lang natin kung magiging threat ako, well ma-threat sina Leah at Clark bilang magkaibigan, hindi naman ako nandoon para sirain ‘yung pagkakaibigan nila. Pero regarding sa show, siyempre iisipin nila threat ako,” anang aktor.

At dahil pinagkakaguluhan ng mga babae ang magiging papel ni Simon sa kuwento ay ganito rin ba ang nangyayari sa kanya sa tunay na buhay?

“Sa totoong buhay, hindi po (sabay tawa ng aktor), pero for the show, it’s required for the character. In advertising naman, medyo malapit sa puso ko na gagawa ka ng trabaho na kailangang maging creative ka,” nakangiting sabi ng aktor.

Nakapag-taping na raw si Paulo for OTWOL pero iilang eksena pa lang kaya hindi pa masyadong nagkuwento ang aktor.

Bilang isang advertising executive ang papel ni Paulo ay inamin niyang nagtanung-tanong siya sa mga kaibigan niyang taga-ahensiya kaya may knowledge siya sa gagampanan niyang papel sa serye.

“Marami po akong friends from advertising, like my handler is also from advertising at kumbaga, I based my character on what I see and what I hear, I just keep asking questions like ‘yung mga terms nila, how are they in the office, how is it when they present and when they create ideas,” kuwento ni Paulo tungkol sa karakter niya.

At dahil Inglesero si James sa OTWOL kaya natanong din si Paulo kung magtatagisan sila nito sa pagsasalita ng English, “Hindi naman po, nagtata-Tagalog din naman ako, pero kapag nagpe-present ka ay may mga kliyenteng hindi Pilipino kaya kailangang magsalita ka ng language that everyone has to understand,” say ng aktor.

Hypothetical question kay Paulo – kung sakaling girlfriend niya si Nadine ay ano ang ibibigay niyang regalo sa Pasko?

“Nadine and James are pretty creative so siguro I would give Nadine a really nice camera kasi napansin ko mahilig din siya (photography) based on her posts sa social media and how she is being acknowledge by a lot of people for her creativity,” say ng aktor.

At sa tanong kung tipo ba ni Nadine ang posibleng magustuhan ni Paulo, “I appreciate Nadine, morena, siguro po friends muna.”
Okay let’s wait and see.

Read more...