DISMAYADO si Senador Grace Poe sa mabagal na pag-usad ng hustisya para sa mga biktima ng Maguindanao massacre, anim na taon pagkatapos ang malagim na pagpatay sa 58 katao, kabilang ang 32 miyembro ng media.
“Families of victims were promised a swift resolution. But after six years with no court decision, they feel deserted and neglected by the government,” sabi ni Poe.
Idinagdag ni Poe na lalong nagdurusa ang mga pamilya ng mga biktima ng masaker dahil sa mabagal na usad ng kaso.
Aniya, ni isa ay wala pang nasisintensiyahan sa 198 na kinasuhan at isinagawa lamang ang preliminary investigation sa 50 akusado noong Marso.
“Justice is obviously delayed, but we’re hoping that it won’t be denied. Six years is just too long. The government must at least extend continued assistance and support to those who lost their loved ones in such a brutal manner,” dagdag ni Poe.
Itinuturong utak ng masaker ang mga Ampatuan.
“Let us assure them that the government is doing everything to help them in their quest for justice,” ayon pa kay Poe.
Poe dismayado sa mabagal na pag-usad ng kaso ng Maguindanao massacre
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...