Kinakampanya ko na ba si Duterte?

KUNG hindi ma-disqualify si Sen. Grace Poe ng Commission on Elections (Comelec)—at ng Supreme Court sa kanyang appeal—dahil sa hindi niya diumano pagtupad ng re-sidency requirement, ang 2016 presidential election ay magiging pinakamainit na five-cornered fight.

Nalusutan ni Poe and Senate Electoral Tribunal sa isyu ng kanyang pagi-ging natural born Filipino dahil hindi alam kung Fi-lipino citizen ang kanyang mga magulang.

Si Poe ay nakita sa pintuan ng simbahan noong siya’y sanggol at inampon ng mag-asawang Fernando Poe Jr. at Susan Roces.

Pero malakas ang alegasyon laban sa kanya na hindi niya natupad ang two-year residency requirement nang siya’y tumakbo bilang senador na dinidinig ng Commission on Elections (Comelec).

Kapag siya’y na-disqualify bilang senador, wala na rin siyang pag-asang makatakbo sa 2016 sa pagka-Pangulo.
***

Maliban kay Poe, ang mga kandidato para Presidente ay sina Vice President Jojo Binay, former Interior Secretary Mar Roxas, Sen. Miriam Defensor-Santiago, at ang Johnny-come-lately na si Davao City Mayor Rody Duterte.

Nangunguna si Poe sa mga surveys.

Malayong pumapa-ngalawa si Binay, pangatlo si Roxas at pang-apat si Santiago.

Nagpahayag na si Duterte noong Sabado na siya’y tatakbo matapos na makailang ulit niyang si-nabi na hindi siya mapipilit na tumakbo sa pagka-Pangulo.

Kung hindi madi-disqualify si Poe, ang labanan ay magiging Poe vs. Duterte.

***

Dadalhin ni Duterte sa presidential race ang kanyang proven track record bilang mayor ng isa sa pinakaligtas na lungsod sa buong mundo na siya ang naging dahilan.

Ang mamamayan sa Davao City ay sumusunod sa batas at ordinansiya ng lungsod ng walang pasu-bali.

Ang Davao City lang ang lugar kung saan walang nagpapaputok ng firecrackers sa pagsalubong ng Bagong Taon dahil naniniwala sila sa sinasabi ng kanilang mayor na baka mag-take advantage ang mga terorista at magsabog ng bomba o bumaril ng mga inosenteng mamamayan.

Sa Davao City, lahat ng drivers ay sumusunod ng speed limit na 60 kilometers per hour sa highway at 40 kph sa city proper.

Tanging ang Lungsod ng Davao sa buong bansa (at marahil sa buong mundo) ang kinakatakutang tirhan ng mga masasamang-loob.

Ang mga drug traffickers, pushers, magnanakaw, mamamatay-tao at rapists ay bigla na lang nawawala na parang bula o kaya’y nakikitang patay sa mga liblib na daan.

Walang abusadong pulis sa Davao City. Ang ilang pulis na hindi naka-assign sa lungsod at naligaw at nang-abuso ay nagsisi sa kanilang ginawang kalokohan dahil sila’y ikinulong.

Yung lubhang abusadong mga pulis na hindi taga siyudad ay nagaya sa mga kriminal: pinatay sila ng sinasabing Davao Death Squad.

Kung ikaw ay naglala-sing hanggang umaga, hindi para sa iyo ang Davao City dahil sarado na ang mga bars at nightclubs pagtuntong ng alas onse ng gabi.

Ang mga turista at re-sidente na gustong uminom ng magdamagan ay sumasakay ng ferry patu-ngong Samal Island na malapit lang sa Davao City.

Sumusunod ang mga residente ng Davao City sa batas at ordinansiya ng lungsod—gaya ng bawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar—dahil alam nila na tapat sa kanyang tungkulin at hindi kurakot si Duterte.

Isang may-ari ng nationwide retail stores chain ang nagsabi sa akin na noong nag-apply siya ng business permit sa lungsod, wala siyang binigay na suhol sa mga empleyado o opisyal ng Davao City Hall.

Yan ang dahilan kung bakit nagsisipag-scramble ang mga malalaking kumpanya na itayo ang kanilang central office sa lungsod.

Maraming hindi nakaka-alam na si Duterte ay naglilibot sa Davao City sa kanyang big bike o sa taxi upang tingnan kung nagpapatrolya ang mga pulis.

Si Digong—yan ang bansag sa kanya ng kanyang constituents—ay naghahanap din ng kriminal na hulihin sa akto.

Kung nagawa ni Duterte ang mga sinasabi ko tungkol sa kanya, ma-gagawa rin niya ang mga ito kung siya’y Pangulo na ng bansa.

Kinakampanya ko ba si Duterte?

Opo, hindi ko ikinahihiyang aminin.

Read more...