Krista Miller gusto nang kalimutan si Cesar

cesar montano

AYAW nang pag-usapan ni Krista Miller ang nakaraang kontrobersiya nila ni Cesar Montano.
“Marami akong problema nga-yon, hindi para isipin ko siya. Minahal ko siya kasi director ko siya.

Si Cesar, mabait naman siya talaga, hindi naman siya naging bad director naman. ‘Yung company naman niya ay masayahin,” say ni Krista nang tanungin siya about her past with Cesar sa presscon ng “Kulay Abo Ang Mada-ling Araw”, a play written and direc-ted by Marlon Mente for Teatro Intramuros which will have its run Nov. 27, 28 and 29, Dec. 2, 3, 4, 8, 9, 10 and 11 at Raja Sulayman Theater at Fort Santiago, Intramuros.

When told na romantic love ang tinatanong sa kanya, Krista’s reply was, “Romantic love? Bakit? Medyo madamot ako ngayon kasi sa love, eh. Ano ‘yon? Ayokong pag-usapan kasi parang ano na ‘yon, eh.

Parang hindi siya natatapos, eh. Dapat ‘di ba ‘yung bago na ‘yung tinatanong? ‘Yung bagong asawa niya.”
First time ni Krista na sasabak sa legitimate theater kaya naman todo ang kanyang preparasyon.

May dramatic parts ang role niya bilang si Lucing na ginahasa noong panahon ng mga Hapon dito sa Pilipinas. “Sa totoo lang, naano ako sa iyak.

Akala ko dati pang-comedy lang ako, paseksi-paseki, pashunga-shunga. Nag-start ‘yon sa ‘Piring’, eh,” say ng dalaga.

Read more...