HANGGANG ngayon ay nagtatanong pa rin ang fans ng itinuturing nang classic movie characters na sina Popoy at Basha (ng One More Chance) kung bakit hindi nagkaroon ng relasyon sa tunay na buhay ang magka-loveteam na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Sinagot ng dalawa ang tanong na ito sa isang round table interview sa Philippine Daily Inquirer kamakailan para na rin sa promo ng kanilang pelikulang “A Second Chance”.
Natanong sina John Lloyd at Bea tungkol sa longevity ng kanilang tandem sa showbiz, ayon sa dalawa, ang pagiging totoo at ang sinseridad ang dalawa sa sikreto ng kanilang samahan.
“Ang lagi kong naaalala dati is we always talk about sincerity. Kasi we never pretended na may nangyayari between us,” ani ni JLC. Dagdag naman ni Bea, noong mga panahong isinalang ang kanilang loveteam, ang gusto ng mga manonood na magiging real life couple ang mga loveteams, “But we opted to stay real.”
Pero bakit kahit ganu’n ka-effective ang kanilang loveteam ay hindi ito natuloy sa totohanan? “Kasi maiisip mo na yun. Hypothetically, di ba? Parang hirap tuloy sirain nu’n. Parang ang hirap talagang magtrabaho pag meron ka-yong relationship,” sagot ni John Lloyd na sinegundahan naman ni Bea.
For John Lloyd kasi, gusto niyang sinasarili na lang ang relationship, “Parang yun na lang kasi ang mabibigay mong totoo sa sarili mo. Being in this business, parang ako ganu’n siguro kaya di ko talaga magawa na makatrabaho ko ang totoo kong karelasyon kasi yun na lang ang natitira sa sarili ko na totoo.”
“Siguro yun yung mystery. Bakit di naging kami after so many years yet nagwo-work yung chemistry namin sa pelikula. I don’t know. I really don’t know. Baka yun ang beauty ng team up namin that’s why it works kasi nga hindi naging kami,” dagdag naman ni Bea.
Singit naman ni JLC, “Siguro we’ll cross that bridge when we get there.” E, ano naman ang maipapayo nila sa mga bagong loveteam para tumagal? “Si-guro mahalin nila yung craft. It should start from that.
Yung mahalin nila ang ginagawa nila pero sana yun ang i-prio-ritize more than anything else. Not the stardom and how people would perceive them. Siguro isa yun sa mga reasons kung bakit nagtratrabaho pa rin kami ngayon,” ani Bea
Naniniwala naman si Lloydie na you get what you give, “Since day one we really offered sincerity. We never tried na i-disillusion ang tao kasi yun na nga ang ginagawa namin tapos gagawin mo pa yun para sakyan lang kayo, para kiligin sila.
Kung kiligin sila e, di okey, salamat. Mahirap pag hinaluan mo ng extra.” Paano naman kung hindi n’yo na ma-take ang isa’t isa? Dito na umamin ang dalawa tungkol sa naging tampuhan nila noong ginagawa nila ang seryeng Betty La Fea.
Nagsi-mula at natapos daw ang programa na magkagalit sila. “Eight months namin ginawa yun. As in di kami nag-uusap” sabi ni Bea. Biglang hirit naman ni John Lloyd, “Kasi ang salbahe niya nu’n,” na mariin namang kinontra ng aktres.
Nagtampo raw noon si Bea kay Lloydie dahil may nakarating na balita sa kanya na ayaw na raw siyang makatrabaho ng aktor. Natapos ang serye nang hindi pa rin sila nagkakabati.
“Naging biktima lang kami ng mga kwento,” ani Popoy. Sa huli raw respeto lang naman ang kailangan kasi kahit gaano kayo katagal ay may oras pa ring magkakapikunan kayo.
Samantala sa part two nga ng sinasabing iconic na pelikulang “One More Chance” excited na ang maraming fans. Kakalabas pa lang ng balita na gagawin na ang part two nitong “A Second Chance” ay marami na ang nanood ng part one nito sa DVD at nagsabing atat na silang mapanood ang pagpapatuloy ng kuwento nina Basha at Popoy.
Sa social media, sunod-sunod na nag-post ang netizens ng memes tungkol sa mga pinasikat na linya ng dalawa sa nasabing pelikula. Tungkol sa buhay mag-asawa nina Popoy at Basha ang part two ng movie at a-minado sina John Lloyd at Bea na marami silang natutunan habang ginagawa nila ito.
Na-realize nila na iba pala talaga ang buhay ng may asawa. Tinanong ang dalawa kung paano nakaapekto sa kanila ang pagdiskubre ng mundo ng pag-aasawa at kung paano nila ire-relate ito sa sarili nila kung sakali sila ay mapunta na sa ganoong direksyon ng buhay.
“Ganu’n pala pag mag-asawa siyempre nakatira na kayo sa isang bahay. Yung asawa mo na ang magpe-prepare ng damit mo tapos ang gagawin mo matutulog ka na lang. Tapos pag-akyat mo ng kwarto nakahanda na yung damit mo.
Parang wow, that would be nice. Yun ang tumatak sa akin,” natatawang sabi ni JLC habang inaasar siya ni Bea na baka yaya ang kailangan nya. For Bea naman sobrang na-appreciate daw niya yung pagmamahal ni Popoy kay Basha at kung paano nitong ginawa ang lahat para maibigay ang pangarap na buhay ng kanyang asawa.
“Dito sa pelikulang to na-realize ko na mahirap din pala sa isang lalaki ang magtaguyod ng pamilya. Tayong mga babae ang dami nating hinihingi sa mga lalaki na minsan pala meron na silang pinagdadaanan, hindi pa natin alam,” sabi ni Bea.
Pero kahit na may mga ganu’ng realization ang dalawang bida ng “A Second Chance” pareho silang wala pang balak na mag-settle down anytime soon at hindi pa nila ramdam na ito na ang tamang panahon para pasukin ang pagpapamilya.