May nakita umanong sapat na batayan ang Ombudsman upang sampahan si Lim ng apat na kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at apat na kaso ng Malversation.
Kasama sa kaso ang mga opisyal ng Technology Resource Center na sina Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Marivic Jover at Consuelo Lilian Espiritu.
Gayundin ang mga opisyal ng Kaagapay Magpakailanman Foundation Inc. na sina Carlos Soriano at France Mercado at Carmelita Barredo ng C.C. Barredo Publishing House.
Noong Agosto at Nobyembre 2007 ay hiniling umano ni Lim na mapunta ang kanyang P30 milyong pork barrel fund sa TRC na gagamitin sa 8,000 set ng livelihood instructional materials and technology kit.
Pumasok sa kasunduan si Lim, TRC at KMFI na siyang piniling magpapatupad ng programa.
Ayon sa Commission on Audit hindi dumaan sa public bidding ang proyekto at wala rin umanong track record ang KMFI. Wala rin umano itong lehitimong business address.
Nagtataka rin ang COA kung bakit naibigay na ang P27 milyong bayad bago pa nagkaroon ng pirmahan ng kontrata.
Sinabi ni Lim na posibleng pineke ang kanyang pirma at iginiit na sumunod lamang siya sa proseso.
“Lim had treated the same [fund] as it were his own funds, dictating how it should be utilized and released. He not only determined the project, the implementing agency and the NGO, but also determined how much of his PDAF should go to the projects,” saad ng resolusyon ng Ombudsman.
Ex-solon kakasuhan sa PDAF scam
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...