San Miguel Beermen nakalusot sa Barako Bull Energy

Mga Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX vs Meralco
7 p.m. Star vs Alaska

BUMIRA si Arwind Santos ng game-winning jumpshot para tulungan ang San Miguel Beermen na maungusan ng Barako Bull Energy, 106-105, sa kanilang 2015-16 Smart Bro PBA Philippine Cup elimination round game kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Angat ang Energy ng isang puntos matapos maghulog ng tres si RR Garcia, sumablay si Beermen swingman Marcio Lassiter sa kanyang midrange jumper bago nakipag-agawan sa bola si Santos at ibinuslo ang game-winning shot.

Si Santos ay nagtapos na may 15 puntos, 10 rito sa second half kung saan nalusutan ng San Miguel Beer ang mainit na shooting ng Barako Bull.

Pinangunahan ni June Mar Fajardo ang Beermen sa itinalang 28 puntos at 20 rebounds habang si Ronald Tubid ay gumawa ng 16 puntos para sa San Miguel Beer na nagsolong muli sa itaas ng team standings sa 5-1 kartada.

Pinamunuan ni Josh Urbiztondo ang Barako Bull (3-3) sa ginawang 19 puntos, limang assists at apat na rebounds habang si Willy Wilson ay may 18 puntos at 11 rebounds.

Read more...