Sam Concepcion laging bakat ang ‘bukol’ sa You’re My Home

sam concepcion

Winner ang pilot week ng Primetime Bida series na You’re My Home.

Iba talaga kapag gaya nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ang lead players. Kitang-kita talaga ang matinding chemistry nila at kahit medyo pang-“film” ang dating sa amin ng kanilang pagganap, susundan mo pa rin ang kuwento nila.

Ngayon lang din namin napanood si Jessy Mendiola na medyo nakakasabay sa husay sa pag-arte nina Dawn and Goma. Feel na feel mo talagang “guilty” siya sa nangyari sa bunso nilang kapatid na nawala.

At si Sam Concepcion? Wow, hunk na hunk ang aura ng mama! Bukol kung bukol talaga ang harapan nito sa mga “jeans” na suot niya at ramdam mong good-boy-bad-boy ang peg ng karakter niya.

We are also looking forward sa mga eksena ni Paul Salas na in fairness ay hindi rin nagpahuli pagdating sa appeal at sexiness. Napakatangkad pa ng bagets at hindi na kami magtataka kung siya na ang susunod na ibebenta ng ABS-CBN bilang next Daniel Padilla o Enrique Gil.

 

Read more...