Nikki Gil ikinasal na kay Bj Albert; napanindigan ang 'No to pre-marital Sex' Bandera

Nikki Gil ikinasal na kay Bj Albert; napanindigan ang ‘No to pre-marital Sex’

Reggee Bonoan |November 23,2015
share this

Nikki Gil ikinasal na kay Bj Albert; napanindigan ang ‘No to pre-marital Sex’

Reggee Bonoan - November 23, 2015 - 02:00 AM

nikki gil

Elegante at mapuso ang kasal nina Nikki Gil at BJ Albert na ginanap noong Sabado sa Sta. Elena Golf Country Club, Sta. Rosa, Laguna. Dinaluhan ito ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz.

Ilan sa mga celebrities na nakiisa sa pag-iisang dibdib nina Nikki at BJ sina Isabel Oli at John Prats, Iya Villania at Drew Arellano, Luis Manzano at ang manager ni Nikki na si Arnold Vegafria.

Ilan sa kinuhang ninong at ninang ng bagong kasal ay ang award-winning singers na sina Gary Valenciano at, Jose Mari Chan, at ang Universal Records executive na si Kathleen Dy-Go.

Nagkakilala sina Nikki at BJ through their common friends. Pareho rin silang nag-aral sa Ateneo de Manila at naging magkasintahan noong 2013.

Matatandaang nag-leave muna si Nikki sa kanyang showbiz career para personal na asikasuhin ang kasal nila ni BJ. Hands-on talaga ang Kapamilya TV host sa mga detalye ng wedding.

Ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz ang nakatulong niya sa preparasyon tulad na lang ni Iya Villania na kahit nasa GMA na ay very close pa rin kay Nikki.

Alam din ng lahat na isa si Nikki sa mga young female celebrities na pwedeng maging role model ng mga kabataan pagdating sa isyu ng pre-marital sex.

Talagang napanindigan daw ng singer-actress na panatilihin ang kanyang virginity hanggang sa siya’y maikasal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending