Bea Alonzo sa lovelife: Dapat pag nagmahal ka walang rules!

bea alonzo

Bea Alonzo and John Lloyd Cruz are reprising their Basha and Popoy roles sa “A Second Chance.”
When asked kung ano ang pagkakaiba o pagkakapareho ng latest movie sa “One More Chance”, Bea said, “Siguro kung meron mang pinaka-appealing sa pelikulang ito ay ang pagiging relatable niya uli kagaya ng first one.”

Nang matanong naman siya kung sa palagay ba niya ay mae-experience rin niya ang pinagdaanan ng cha-racter niyang si Basha, the actress replied, “Most probably kasi di ko pa nae-experience sa buhay ko to get married and to go through the same hardships as Popoy and Basha went through pero ang dami kong natutunan dito.

“Ang isa siguro is if you love somebody dapat siguro mahalin mo siya kahit nagbabago na siya kasi ang tao nagbabago at dapat nag-e-evolve ang pag-ibig mo kasama ng pagbabagong ‘yon.”

Waxing eloquence, Bea insisted that “Kapag pagmamahal ang pinag-uusapan ay walang rules. ‘Di mo masasabi kung hanggang saan ang kaya mong gawin, kung ano ang makakaya mong gawin para sa pagmamahal.

Para sa akin, everyone deserves a second chance pero nagma-matter kung worth it ba ang pagbibigyan mo.” How very intelligent Bea has become!!!

Read more...