NANINIWALA ang Malacanang na mababawi ng Pilipinas ang nagastos nito sa ginawang pagdaraos dito ng Asia Pacific Econonomic Conference (APEC) na ikinapeste ng marami dahil sa problema sa trapiko at pagka-aberya na rin ng mga negosyo.
Iginiit ng Palasyo na dapat tingnan ng publiko ang matagalang magandang epekto na idudulot ng APEC, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma.
“Looking at big picture, losses incurred this week will be recovered eventually in terms of continuing and sustained growth and development of the Philippine economy as a favoured investment and tourism destination,” sabi ni Coloma.
Mahigit sa P10 bilyon ang napaulat na ginastos ng gobyerno sa pagdaraos ng APEC. Bukod dito, sadyang malaki rin umano ang pagkaluging naidulot ng pagtitipon sa mga airline companies matapos ipatupad ang no fly zone, dahilan para makansela ang daang-daang mga flights at ang trapik na idinulot ng summit.
“Good governance requires that decisions are based on what would be beneficial for the country and what would best serve our people’s long-term interest. We acknowledge that there will be differences in viewpoints and we are willing to engage all stakeholders in meaningful dialogue as well as consider suggestions for improvement. Reasonable criticism is always welcome in a healthy democracy,” dagdag ni Coloma.
Sinabi naman ni Finance Secretary Cesar Purisima na inaasahang lalo pang lalaho ang ekonomiya sa bansa dahil sa APEc.
“Pre-APEC GP of region is $15 trillion, now it’s more than double. Pre-APEC trade is $3 trillion, now it’s $21 trillion. It grew seven times. Philippine exports have increase more than 15 times because of APEC,” sabi ni Purisima.
Nauna nang sinabi ni Aquino sa kanyang talumpati noong Huwebes ng gabi sa pagtatapos ng APEC nagpasalamat si Aquino sa taumbayan sa pagsuporta sa APEC.