PH wagi ng 2 ginto sa Wushu Worlds

BAGAMAN unang beses pa lang silang lumaban sa torneyong ito ay nakasungkit agad ng gintong medalya sa sanda (combat discipline) sina Divine Wally ng Baguio City at Arnel Mandal ng Iloilo City 13th World Wushu Championships na nagtapos kahapon sa Jakarta, Indonesia.
Tinalo ng 19-anyos na si Wally si Luan Thi Hoang ng Thailand sa finals ng 48-kg.
Malaking improvement ito dahil nakakuha lamang siya ng silver medal sa 7th Asian Junior Championships at sa 27th Southeast Asian Games noong isang taon.
Sinorpresa din ng 2-anyos na si Mandal ang 60-kg division nang makapasok siya sa finals at biguin ang mas pinapaborang si Uchit Sharma ng India.
Salamat kina Wally and Mandal, tinapos ng Pilipinas ang torneyo na may dalawang ginto, dalawang pilak at isang tansong medalya na siyang pinakamagandang performance ng Pilipinas sa mula nang mag-um-pisa ang World Wushu Championship noong 1991.
Si Agatha Khrystenzen Wong ng Quezon City ang unang nakapagbigay ng medalya sa delegasyon nang manalo siya ng silver medal sa taijiquan.

Sinundan ito ng bronze medal mula kay Asian Games bronze medallist at 2015 SEA Games silver medallist na si Francisco Solis ng Iloilo City 65-kg division ng sanda.
“The performance of our compact squad was beyond my wildest dream,” sabi ni Julian Camacho, Wushu Federation Philippines secretary general at Philippine Olympic Committee treasurer,

“I never expected that our team rebuilding tack could pay dividends so soon. All our medallists in the previous staging the world championship were not in the team this time as either they have retired or saddled with injury.”

Sa overall standings ay nakatabla ng Pilipinas ang Macao para sa ika-8 puwesto habang nagkampeon naman ang China na may 14 gold medals.

Read more...