Di pa PhilHealth member si tatay

MAGANDANG araw po. Ang tatay ko po ay retired na at gusto ko po sanang itanong kung covered po ba siya ng Philhealth? Me babayaran po ba siya? O kasama ko siya as dependent ko? Nagpepensiyon na po siya sa SSS, pero wala naman po siyang PhilHealth. Ano po ang dapat naming gawin? Reynaldo Guevarra
Sta. Rosa, Laguna

REPLY: Dear Sir/Madam:

Pagbati po mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na ang guidelines para sa Republic Act 10645 re: Mandatory PhilHealth Coverage for All Senior Citizens ay kasalukuyang dina-draft pa.

Samantala, ang inyo pong ama ay maaring ideklarang dependent ng isa sa kanyang mga anak na aktibong miyembro ng PhilHealth o ipagpatuloy ang pagbabayad bilang informal sector habang ang polisiya po ay hindi pa na-finalize.

Maaari rin po na mag-apply bilang lifetime member kung sila po ay isang senior citizen, nakapaghulog ng 120 months contributions mula sa PhilHealth (kabilang ang SSS Medicare) at walang trabaho.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...