Yellow gown ni Kris sa Apec dinner nag-trending

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

TRENDING ang suot na yellow gold evening gown ni Kris Aquino na gawa ni Anthony Ramirez.

Napaka-elegante raw kasi nito at ma-ging ang mga taong hindi gaanong gusto ang Queen of All Media ay pinuri rin siya.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Kris ang mensaheng ito, “Wearing a young Filipino designer’s creation,@anthonyramirezs. Makeup by@rbchanco, hair by @angeljamelarin03, styling by @kimiyap & @boopyap.”

Samantala, trending din noong Martes ang kuha nina Kris at Mexican President Enrique Peña Nieto dahil sabi mismo ng TV host-actress ay special request niya ang nasabing pinuno ng bansa.

Naunang nagkakilala sina President Nieto at Kris nang mag-stop over ang huli sa Pilipinas noong 2014. Kasama rin si Kris sa wreath laying sa Luneta ni President Nieto kasama si Manila Mayor Joseph Estrada.

As expected, marami na namang nam-bash kay Kris dahil sinadya raw nito na makasama siya ng guwapong Presidente. Post ni Kris, “He (President Nieto) was so warm and appreciative of our Philippine hospitality.”

Para sa mga hindi nakakaalam ay si President Nieto raw mismo ang pumili kay Kris para sumalubong sa kanya. Heto ang post ni Kris, “Per Mexico, they prefer Ms. Kris Aquino to be the Presidential Sister present during the State Vi-sit. Sorry I needed to blur the other parts, but this was the part of the briefing sent to me 2 months ago. Pleasantly surprised & extremely flattered to have been requested.”

Si Kris din ang nag-estima sa isa pang tinaguriang APEC hottie na si Canadian Prime Minister Justin Trudeau kaya tiyak marami na namang nainggit sa mommy nina Joshua at Bimby.

Read more...