Jake adik na adik sa dyowang foreigner

SARAH GRACE KELLEY AT JAKE CUENCA

SARAH GRACE KELLEY AT JAKE CUENCA

IN love na in love si Jake Cuenca sa kanyang model-girlfriend na si Sara Grace Kelley. Mukhang natagpuan na nga ng Kapamilya hunk actor ang babaeng matagal na niyang hinahanap.

Ramdam na ramdam ng followers ni Jake ang kanyang matinding pagmamahal kay Sara nang mag-post ito ng birthday greetings para sa dyowa. Tinawag pa nga niya itong “favorite person in the whole world and partner in crime”.

Isang litrato ng may sinding kandila ang ipinost ng hunk actor sa kanyang Instagram account na may mahabang caption.

“Thank you so much for being my best friend and my girlfriend all at the same time. You are the most amazing person I know and I consider myself so blessed to have you in my life.

“I will always love and cherish you. I want you to know no matter how close or how far we are from each other I will always be there to love and support you.

“This past 10 months have been simply amazing and I can’t wait to see what the future has in store for the both of us. I love you babe happy birthday,” ang mensahe ni Jake sa kanyang foreigner na girlfriend.

Bukod dito ipinost din ng binata ang isang maikling video clip kung saan hinihipan ni Kelley ang kandila sa kanyang birthday cake.

Read more...