Iniiwan lagi ng boyfriend

Sulat mula kay Lannie Magkiangkang, Bayuga, Agusan del Sur
Dear Sir Greenfield,

Tatlong beses na po akong nagkaka-boyfriend, ang problema bakit kaya walang nagtatagal. Lagi na lang nila akong iniiwan sa hindi ko malamang dahilan. Kailan ko kaya matatagpuan si Mr. Right na hindi na ako iiwan kahit ano ang mangyari. Sana sa pamamagitan ng kasagutan ninyo, malaman ko ang mga palatandaan ng lalaking hindi na ako iiwan kundi makakasama ko na siya ng pang habang buhay at kung kailan siya darating? September 17, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Lannie ng Agusan
del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw at kitang-kitang Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na bagamat may problema sa pakikipag-nobyo o pakikipag-syotaan noong mga nakaraang panahon, wala namang kaugnayan ang mga nakaraang pakikipag-relasyon sa itinakda ng kapalaran, sa panahong ito sa sandaling nagka-boyfriend kang muli, siya na ang mapapangasawa mo at ang pag-aasawang nabanggit ay magbubunga ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.
Cartomancy:
Ang pag-aanalisang walang magiging problema sa panahong nakapag-asawa ka na kahit na lagi kang iniiwan ng mga nagiging boyfriend mo ay madali namang kinumpirma ng mga barahang Nine of Clubs, Jack of Hearts at Eight of Diamonds, (Illustration 1.), nagsasabing isang lalaking halos kasing edad mo rin ang mapapangasawa mo na magaganap sa taong 2018 o kaya’y 2019, sa edad mong 28 pataas.
Itutuloy…

Read more...