Mark Neumann wala nang hiya-hiya sa paghuhubad

mark neumann

Speaking of Mark Neumann, nakachika namin siya sandali bago magsimula ang presscon ng Wattpad Presents at nalaman namin na hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Wala raw siyang nililigawan dahil kahit daw sarili niya ay hindi na niya mabigyan ng oras dahil sa dami ng kanyang trabaho ngayon. Bukod kasi sa mga show niya sa TV5, may tinatapos din siyang pelikula ngayon at isang telesine para sa Viva Films.

“Literal po talagang wala akong tulog the past few days. Kanina nga po, madaling-araw na kaming na-packup sa shoo-ting, tapos I have to be here sa presscon before lunch.

But it’s okay lang, I’m not complaining, pero talagang wala nang time para magka-lovelife,” chika ng binata na mas lalong sumikat pagkatapos niyang gawin ang Pinoy version ng Koreanovelang Baker King.

Sa pelikulang ginagawa niya ngayon kasama ang cha-racter actress na si Cai Cortez titled “#AngTabaKoKasi” medyo sexy ang role niya. Lagi kasi siyang naka-swimming trunks sa movie dahil nga swimming teacher siya rito. Meron din daw silang halikan ni Cai sa pelikula.

Read more...