Malungkot na bagets na nakasakay sa jeep ginulat ni Yaya Dub

maine mendoza

Big deal para sa AlDub fans ang photo ni US President Barack Obama kasama ang isang Navy official na nag-pabebe wave. Gamit na gamit si President Obama sa kumakalat na photo.

Ang feeling ng AlDub fans ay nagpabebe wave ang pangulo ng Amerika kahit hindi naman. Actually, marami naman talaga ang nakapansin na there’s no-thing pabebe in his wave, no! “Hindi naman yan pabebe wave kaloka lang, parang nag hi lang siya.”

“Looks like a regular wave to me. nag wave lang ng kamay, pabebe wave na agad? susmaryosep!”
“Parang normal wave lang, di ung pabebe…ung pabebe e ung kay kapitan. parang di naman pabebe wave kay Obama.”

‘Yan ang comments ng mga netizens sa picture ni US Pre-sident. But others say na wag na lang basagin ang trip ng AlDub fans para walang issue. “Walang basagan ng trip.

E, ano ngayon kung ang tingin ng AlDub nation sa ginawa ni Obama ay pabebe wave? Masisira ba ang buhay n’yo kung yun ang paniniwala namin? Get a life!”

Another big deal sa fans ang isang video which showed Maine Mendoza na binuksan ang bintana ng kanyang van para makita ang isang young guy na nakasakay sa jeep. Siyempre ay nagulat ang guy upon seeing Maine.

Napangiti na nga lang siya. Pero ang tanong ng marami, bakit kailangan pang i-video ang pagsilip ni Maine sa labas ng kanyang van? Para ano, para ipakitang napaka-down to earth niya?

Para ipakitang ready siyang makita ng mga tao even without make-up? May nakapansin din na tila crew ang guy na nakasakay sa jeep ng fastfood chain na ini-endorse ni Maine.

Kung true ito, mukhang gusto lang ni Maine na pasayahin ang guy dahil nagtatrabaho ito sa fastfood chain na kanyang ini-endorse. May nagsabi namang nag-trip lang daw si Maine kaya niya ginawa ito.

But one director corrected Maine’s bashers and said na ginawa lang ito ng dalaga dahil naramdaman niyang parang malungkot ang guy. One AlDub fan even pos-ted this message sa Twitter, “She maybe random but she can make people happy!”

Read more...