Kalat na: James na-bad trip kay Nadine sa premiere night ng ‘Wang Fam’

james reid

Mukhang nagkaroon ng argument between James Reid and Nadine Lustre nang umapir sila sa premiere night ng “Wang Fam” na pinagbibidahan ni Pokwang. Na-late kasi ang dalawa and they were the last ones to arrive at the theatre.

Obvious na maraming tao na sa sinehan nang dumating sila. It was obvious, too, na tila cold si James towards Nadine when she arrived. Immediately, they were ushered in sa kanilang upuan. Nakita namin sa isang video na noong una ay hindi nagpapansinan ang dalawa.

And when they made to stand together, mukhang sinita ni James na na-late itong si Nadine. Parang sinisi pa niya ang damit ng dalaga sa pagiging late niya. Halatang nasa bad mood si James doon sa video.

Pero feeling namin may pinanggagalingan ang pagka- bad trip ni James. It’s possible na bago pa dumating sa premiere night ng “Wang Fam” ang binata ay hindi na maganda ang mood nito at nadamay lang si Nadine.

Read more...