Coco, Onyok magkamukha na, pasadong mag-ama

COCO AT ONYOK 1023

Sa ginanap na 25th birthday party ni Arjo Atayde noong Linggo na ginanap sa Circle Events Place ay isa sa bisita ang paborito naming character ng Ang Probinsiyano, si Onyok.

Sabi sa amin ay mahiyain daw ang bagets kaya hindi muna siya pinapa-interbyu sa entertainment press, pero parang hindi naman dahil all throughout the party ni Arjo ay walang ginawa ang bagets kundi makipaghabulan at makipaglaro sa bunsong kapatid ng aktor na si Xavi Atayde.

Yes bossing Ervin, napagod nga kami sa kakatawag kay Onyok para magpa-picture dahil mas gusto niyang maglaro. At sikat na talaga ang child star dahil maraming nagpa-picture sa kanya.

Natawa nga kami sa komento ng ibang bisita na puwede raw talagang mag-ama sina Onyok at Coco Martin dahil magkahawig ang dalawa. Samantala, naging tren-ding sa social media ang pagpasok ni Onyok sa paaralan sa isang episode ng Ang Probinsiyano na noong una ay nagdalawang isip pa pero nakumbinsi rin ni Cardo.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng Ang Probinsiyano, tumitindi na ang aksyon at labanan sa pagtakas ni Diego (Ping Medina), ang suspect sa pagpatay kay Ador (kakambal ni Cardo).

Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong si Diego ngunit makakatakas ito sa tulong ng makapangyarihan at isa sa mga pinuno ng sindikato na si Tomas (Albert Martinez).

Matutunugan ito ni Cardo at agad din niyang susundan at susubukang pigilang makalaya.

Read more...