14 OFW patay sa aksidente sa Saudi

AABOT sa 14 manggagawang Pilipino ang nasawi at maraming iba pa ang nasugatan nang bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang truck kamakalawa ng hapon sa Hofuf, Al-Ahsa, Saudi Arabia, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Sa paunang ulat, pawang mga electrician ng Saudi Arabia Kentz, isang contracting at engineering company, ang mga biktima.
Ang mga nasawi at nasugatan ay sakay ng isa sa pitong sasakyan na convoy, dagdag ng ulat. Pakistani umano ang driver ng mga biktima.
Isinugod ang mga sugatan sa King Fahad Hospital-Hofuf at sa iba pang ospital sa lugar.

Read more...