Russian Prime Minister nanawagan ng pagkakaisa kontra terorismo

NANAWAGAN si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa mga kasamahan niyang lider sa Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) na patuloy labanan ang terorismo, matapos kumpirmahin na bomba nga ang dahilan nang pagbagsak ng Russian plane noong Okt. 31 na ikinasawi ng 224 pasahero nito.

 

Sa isinagawang Apec CEO Summit sa Maynila, inisa-isa rin ni Medvedev ang mga serye ng pag-atake sa Paris na ikinamatay naman ng 129 katao.

Ang mga nasabing insidente ay kagagawan ng Islamic State.

“Needless to say, the terrorist attack that Russia and France have survived through had an impact over the whole world. Terrorism spreading is a truly global challenge, a challenge to the whole, civilized world,” ayon kay Medvedev.

Hamon para sa APEC ay ang makabuo ng solusyon na kokontra na tuluyan sa terorismo sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon sa mga miyembro nito.

“This challenge requires joint answer, coordinated and truly concerted action The explosion of the Russian aircraft which took 224 lives and the killings in Paris, that is not a crime against one country, that is a crime against the whole world,” dagdag pa ng opisyal ng Russia.

“We should fight terrorism all together,” dagdag pa nito.

Read more...