Mr. Politician protektor ng murder suspects

PERSONAL na dumulog sa akin ang mga kaanak ng isang biktima ng pamamaslang na nangyari sa Makati City ilang buwan na ang nakalilipas.

Hanggang ngayon kasi imbes na hustisya ay pananakot pa ang kanilang natatanggap mula sa mga suspek na pumatay sa kanilang kapatid.

Anuman ang dahilan ng pagpatay, ang aming pakay ay mabigyan ng hustisya ang sinapit ng kawawang biktima.

Buwan ng Mayo 2014 ay pinagbabaril hanggang sa mapatay si Mark Felizardo Baggang sa mataong lugar ng Brgy. Pio del Pilar Makati City.

Halos hindi makilala ang biktima dahil sa dami ng balang tumama sa kanyang mukha at katawan.

Madaling nakilala ang utak at ilan sa mga bumaril kung saan ay nakasuhan sila ng murder.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati RTV Branch 59 Judge Winlove Dumayas ay naaresto ang isang suspek na si Borbie Rivera na da-ting Barangay Chairman sa Pasay City.

At-large naman ang isa pang suspek na dati ring chairman ng Barangay na si Maynard Alfaro.

Mailap ang hustisya dahil protected diumano ng isang pulitiko sa Metro Manila ang dalawa.

Sa pagtatanong ng ating Cricket, sinasabing sangkot umano sa droga ang mga suspek at si Mr. Politician ang kanilang padrino.

Ito rin daw ang dahilan kaya hanggang ngayon ay laging nakakalusot ang suspek na si Alfaro dahil hawak siya ng nasabing pulitiko.

Ilang beses na umano siyang muntik malambat ng mga pulis pero laging bulilyaso ang operasyon dahil sa pulitikong ito.

Inilapit ko na rin kay Mang Boy Evangelista ng Volunteer Against Crime and Corruption ang kaso at nangako naman siya na kaagad itong aasikasuhin.

Pati ang mga kamag-anak ng biktima na tinatakot ng mga suspek.

Tututukan po natin ang kasong ito.

Samantala ang Metro Manila politician na kunsintidor at protector ng mga suspect na ito ay si Mr. A….as in Akong.

Read more...