14 bayan ng Pangasinan dumanas ng 9-oras brownout

MAKAKARANAS ng siyam-na-oras na power interruption ang 14 na bayan sa Pangasinan bukas, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa isang abiso na ipinalabas ni Lilibeth Gaydowen, North Luzon Corporation Communication & Public Affairs Officer, nagbabala ang NGCP kaugnay ng nakatakdang shotdown ng ilan sa mga transmission facilities, dahilan para maapektuhan ang operasyon ng Labrador Substation ng Central Pangasinan Electric Corp., ang Calasiao at Dagupan Substation ng Dagupan Electric Corp., at buong Pangasinan 1 Electric Corp. mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Kabilang sa mga apektadong mga bayan ay ang Labrador, Sual, Alaminos, Mabini, Burgos, Dasol, Infanta, Agno, Bani, Anda, Bolinao, Calasiao, at Sta. Barbara, at Dagupan City. Sinabi ni Gaydowen na papalitan ng NGCP ang 10 kahoy na poste ng bakal na poste at magsasagawa rin ng pagsasaayos sa kahabaan ng Labrador-Bani at Labrador-Calasiao 69kV line. “Normal operations will immediately resume once repairs are completed,” sabi ni Gaydowen.

Read more...