Kylie Padilla ‘NATOMBOY’ na: Bakit ako maiinggit kay Yaya Dub, e, crush ko yun!

kylie padilla

TULAD ng ibang Kapuso stars, masaya si Kylie Padilla sa kasikatang tinatamasa ngayon ng dati niyang leading man na si Alden Richards sa piling ni Maine “Yaya Dub” Mendoza.

Bukod sa pagiging magka-loveteam, na-link din noon si Kylie kay Alden. Pero bigla itong naputol.
“Oh, no (nalungkot nu’ng naputol ang relasyon nila), yeah. Pero hindi, masaya naman ako para kay Alden,” sinserong sabi ni Kylie sa presscon ng bago niyang endorsement na Relumins.

Hindi lang daw si Alden ang nawala kay Kylie kundi pati ang pagrereyna sa GMA 7 na ngayon ay ibinibigay na raw kay Maine. Kitang-kita naman na nakatutok lahat ng atensyon ng Kapuso network ngayon kay Yaya Dub at kay Alden.

Marami raw tuloy ang nai-insecure kay Maine na mga Kapuso female stars, “No,” tanggi ni Kylie. “Crush ko nga ‘yun, e. Si Yaya Dub, crush ko ‘yun!” Inamin din ni Kylie na nagte-text pa rin siya kay Alden, “Yeah, nag-text ako sa kanya kahapon.

Sabi ko, ‘I’m happy for you.’ Pero nag-iba na yata siya ng number.”  Hindi raw nag-text back sa kanya ang kalabtim ni Maine, “Okey lang naman,” kibit-balikat ni Kylie. We asked her kung nasaktan ba siya sa ‘di pag-text back sa kanya ni Alden, “Hindi.

Naintindihan ko naman na busy siya.” And speaking of Maine, natural lang naman na maraming Kapuso female stars ang ma-insecure sa kanya ngayon.

Pero kay Kylie, okey lang daw kung si Maine na ang bagong reyna ng GMA, “Okey lang sa akin kasi masaya naman ako sa trabaho ko.

Kasama rin ako doon sa napapasaya ni Yaya Dub. So, why ako maiinggit?” Sa ngayon ay kasama si Kylie sa serye ng Kapuso network na Buena Familia. Ito lang daw ang show niya nga-yon sa Siyete.

At sa pelikula naman, hindi pa raw siya sure kung meron na siyang gaga-win sa mga susunod na buwan, “Not sure yet. Sana meron,” wish ni Kylie.

Read more...